Thursday, February 28, 2019

Sawa ka na ba sa mga scam na nakikita mo online?  Kesyo kikita ka raw ng marami basta ginawa mo ito o yan etc. Tapos ikaw naman itong si tanga, syempre nagpauto ka, in the end, sayang lang yung mb mo! Naku alam na alam ko yan kasi napagdaanan ko na yan.  Sa hirap ba naman ng Pilipinas ngayon talagang hahamakin mo ang lahat magkapera ka lang! Pero hindi naman lahat na makikita mo online na easymoney eh totoo, yung iba manloloko lang, hinihikayat lang nila kayo.  Tapos sa huli, may ibibigay ka muna ng pera bago makapag-member.  Aysus!

So guys, ang io-offer ko sa inyo is totally free and this is not a scam of course. Madali lang naman itong sinasabi ko, siguraduhin mo lang na may makulay kang pag-iisip and syempre, cellphone na may load at nakaregister na sa GoSurf50 or Giga50.

All you have to do is to create your own blog! Yes, kagaya ng ginagawa ko.  Actually nag-start lang ako dati na pino-post ko eh mga essay na ginagawa ko sa school pero aware na ako dati na pwede akong kumita by just posting interesting topics here in the internet.

So first na gawin mo is mag-isip ng magandang topic, kapag may naisip ka na, visit http://www.blogger.com/dito ka magreregister at gagawa ng blog mo and it's totally free po. Gagawa ka pa ng pangalan ng blog mo, so dapat catchy ang ilagay mo para may mahikayat kang readers na mag-oopen nung ginawa mong blog,  ikaw na bahala kung anong gusto mong ilagay na name. Pagkatapos nun, magsign-in ka sa http://google.com/adsense - dito ka kikita so dapat meron ka nito, yung mga Google Ads, dun ka kikita and again, free po ito.

So yan lamang ang gusto kong ibahagi sa inyo and hopefully nakatulong ako.  Happy Blogging Guys!